Monday, November 18, 2013

Pamamaslang sa traffic enforcer, kinondena ni Binay

Kinondena ni Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay ang pamamaslang sa traffic enforcer ng Makati Public Safety Department (MAPSA) na binaril ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo sa harap ng gate ng Mapua Institute of Technology sa Metropolitan Avenue.



“We are saddened by the cold-blooded murder of an unarmed law enforcer who was just doing his job. I have ordered the Makati police to prioritize the resolution of the case and bring the perpetrators to justice,” pahayag ni Binay.


Ipinaabot din ng alkalde ang taus-pusong pakikiramay sa pamilyang nagluluksa para kay Dave T. Balgos, 36 anyos. Naulila ni Balgos ang maybahay at dalawang anak na lalaki na edad 10 at 13.


Nabatid na patungo ang 36-anyos na biktima sa kanyang puwesto sa Makati Avenue lulan ng service motorcycle kasama ang dalawa pang enforcer na sakay sa kani-kanilang motorsiklo matapos mag-report sa MAPSA office noong Biyernes ng umaga.


Pagsapit sa panulukan ng Metropolitan Avenue at Ayala Avenue Extension, naispatan ni Balgos ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na lumabag sa batas trapiko (passing through a red light) kaya sinenyasan niya ang mga ito na huminto subalit inisnab siya at pinaharurot ang motor patungo sa Metropolitan Avenue. Hinabol ni Balgos ang mga ito kasunod ang mga kasama hanggang sa huminto ang mga suspek sa Nicanor Garcia Street at binaril ng back rider si Balgos na tumama sa kanang kilikili ng enforcer.


Ayon sa kasamahang enforcer na si Allan Acebedo, nagawa pang makalakad ni Balgos papunta sa motorsiklo nito at naitakbo nila sa Makati Medical Center subalit hindi na umabot nang buhay. – Nannet Valle


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pamamaslang sa traffic enforcer, kinondena ni Binay


No comments:

Post a Comment