Monday, November 18, 2013

Bakbakang Pacquiao-Rios mapapanood nang live sa Marikina

BILANG suporta sa Pambansang Kamao, isang free live pay-per-view show ng labanang Pacquiao-Rios ang inihahandog ng pamahalaang lungsod sa ika-24 ng Nobyembre, ika-9 ng umaga sa piling lugar sa lungsod.


Ang bakbakang Pacquiao-Rios na gaganapin sa Cotai Arena, Venetian Resort, Macau, Macau ay direktang mapapanood sa Marikina Freedom Park, Parang Basketball Gymnasium, at Marikina Heights Gymnasium.


“Sa kabila ng unos at kalamidad na dumaan sa ating bansa, marami pa ring bagay ang dapat nating ipagpasalamat at ipagpunyagi. Marami mang kababayan natin ang inilugmok ng trahedya ng kalikasan, marami rin sa ating mga kababayan ang lumalaban at nagtataas ng ating bandila tulad ng ating Pambansang Kamao,” wika ni Mayor Del De Guzman.


Isang linggo bago ang Pacquiao-Rios bout, namigay na ng 11,000 ticket/flyer ang pamahalaang lungsod para sa mga nais manood


The post Bakbakang Pacquiao-Rios mapapanood nang live sa Marikina appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bakbakang Pacquiao-Rios mapapanood nang live sa Marikina


No comments:

Post a Comment