Monday, November 18, 2013

Pokwang, nagwagi sa ‘Call Center Girl’

JESSY Mendiola, Pokwang and Enchong Dee


HOW true na binabawi rati ni Sharon Cuneta ang pelikulang Call Center Girl na pinagbibidahan na ngayon ni Pokwang?


Sinulat namin noon na kay Sharon unang inialok ang Call Center Girl pero hindi na niya ito nagawa dahil pumirma na siya ng limang taong kontrata sa TV5.



Pero dahil hindi naman siya kaagad binigyan noon ng project ng TV5 at wala siyang ginagawa, ayon sa aming source ay tumawag daw ang megastar sa Star Cinema para alamin kung kailan niya gagawin ang nasabing pelikula. Sinabi naman daw sa kanya na hindi na niya ito puwedeng gawin dahil nga lumipat na siya sa ibang TV network.


Tsika ng aming espiya, ipinagpipilitan daw ni Mega na kanya ang Call Center Girl kaya dapat daw ibigay sa kanya.


Hanggang sa naging busy na si Sharon dahil binigyan na siya ng project ng TV5, ang Sharon, Kasama Mo Kapatid.


At para hindi na makapaghabol si Sharon sa Call Center Girl ay ni-revise ang script nito, ginawang comedy, kaya naisip ng Star Cinema na si Pokwang ang gawing bida.


Anyway, tinanong naman namin ang isang ABS-CBN executive kung totoong babalik si Sharon ‘pag natapos na ang kontrata niya sa TV5.


“As of now, hindi pinag-uusapan, but of course, Sharon is Sharon at friends siya with the Lopezes plus pioneer siya ng ABS-CBN, so we have to consider that. Ang kailangan lang naman niyang gawin ay magpapayat siya, ‘yun lang,” pagtatapat ng aming kausap.


Hmmm, ito rin ang narinig naming payo ng Viva kay Sharon para matuloy na rin ang bagong pelikula nila ni Aga Muhlach na ilang taon nang nabibimbin.


Mukhang hindi pa rin handang mag-shoot si Sharon ngayon dahil bisi-bisihan na siya sa Madam Chairman at The Mega and The Songwriter sa TV5.


Samantala, mapapanood na sa Nobyembre 27 ang Call Center Girl, kasama ni Pokwang sina Jessy Mendiola, John Lapus, Ogie Diaz, Jestoni Alarcon, at Enchong Dee sa direksyon ni Don Cuaresma. –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pokwang, nagwagi sa ‘Call Center Girl’


No comments:

Post a Comment