Tuesday, November 5, 2013

Pamamahagi ng relief goods na expired, pinaiimbestigahan

Kinukumpirma ng Malacañang ang mga ulat na ilang mga biktima ng malakas na lindol sa Bohol ang nakatanggap ng relief goods na expired o bulok na.


Ito ay matapos mailathala na nagreklamo ang ilang residente hinggil sa relief goods na may masamang amoy habang ang iba naman ay bulok na. Giit naman ni Presidential Communictions Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. na kailangan munang alamin kung totoo o hindi ang mga naglabasang ulat.



“Ang common understanding po natin makikita ito sa mga labels ng mga pagkain o ng mga gamot na best to consume before at nakalahad ‘yung date,” sinabi ni Coloma.


Kung mapatunayang expired na ang relief goods na ipinamahagi sa mga earthquake victims, tiniyak ni Coloma na agad itong aaksiyunan ng pamahalaan.


Naniniwala si Coloma na maingat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa proseso ng pamamahagi ng relief goods.


“Sila (tauhan ng DSWD) po ay concerned hindi lamang sa paghahatid ng relief goods ngunit sa pagtiyak din sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan na kukuha nitong mga relief goods na ito,” paliwanag ni Coloma. – Madel Sabater – Namit


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pamamahagi ng relief goods na expired, pinaiimbestigahan


No comments:

Post a Comment