Tuesday, November 5, 2013

1,000 pedophile, nahuli ng virtual Pinay

Ni Ron Lopez


Mahigit 1,000 “sexual predators” mula sa buong mundo ang natukoy ng isang Dutch organization matapos itong lumikha ng isang computer-generated image ng isang 10-anyos na batang Pinay na espesyal na binuo para akitin at tukuyin ang mga cyber sex customer at mga pedophile sa Internet.



Sa pamamagitan ng 3D digital animated ng batang babae na pinangalanang ‘Sweetie,’ nakilala ng Netherland-based Terre des Hommes, isang Dutch children’s rights activist group, ang 1,000 matatanda na handang magbayad ng pera kapalit ng sexual acts sa pamamagitan ng webcam, nagtaas ng pangamba sa “largely unknown, but quickly spreading new form of child exploitation,” it said.


Kasama ang Avaaz.org, isinagawa ng Terre des Hommes ang kanyang “online sting” mula sa isang tagong warehouse office sa isang industrial park sa Amsterdam para sukatin ang lawak ng mabilis na lumalaking Internet phenomenon na tinatawag nilang sex tourism.


Nakagugulat ang resulta at nagpaskil ang Terre des Hommes ng isang dokumentaryo ng 10-linggong imbestigasyon nito sa YouTube (youtube.com/sweetie) at sinimulan ang isang petisyon na naglalayong himukin ang pulisya at mga politiko na dagdagan ang mga pagsisikap para masugpo ang illegal sex shows.


Mula sa isang liblib na gusali sa Amsterdam, lumikha ang mananaliksik ng Terre des Hommes ng chat room para kay ‘Sweetie’ bilang isang sex prospect. Sa napakaikling panahon, mahigit 20,000 “predators” mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagpakilala sa virtual na 10- anyos na Pinay, at humihiling ng webcam sex performances.


Gamit ang basic research techniques at hindi hacking, nakilala ng Terre des Hommes ang 1,000 matatanda mula sa 71 bansa na nagkainteres kay Sweetie. Ang top country of origin sa matatanda ay ang United States na mayroong 254 katao, sinusundan ng Britain na may 110 at India na may 103, sinabi ni Terre des Hommes sa isang pahayag.


“While the adults interacted with the virtual girl, the researchers gathered information about them through social media to uncover their identities,” ayon dito. Hindi ipinaliwanag kung bakit batang Pinay ang kanilang napili bilang virtual cybersex victim, iniulat ng grupo na “tens of thousands” ng mga Pilipina ang nabibiktima sa bagong uri ng child exploitation at slavery na tinawag nilang “webcam child sex tourism.”


Bukod dito, iniulat ng Unicef Philippines na mahigit isang milyong kabataan, ang nabibiktima ng sexual exploitation sa mundo taun-taon, dahil sa madaling pagbiyahe ng “child-sex predators into less developed countries including the Philippines,” at “made children more vulnerable to this modern form of slavery.”


MATINDING PINSALA SA BATA

Ngunit bukod sa pisikal na pangaabuso, ipinakita ng mga karagda Gang pag-aaral ng Terre des Hommes na ang webcam child sex tourism “is as devastating to the victims as physical abuse.”


Bumababa ang pagtingin ng biktima sa kanyang sarili at nagkakaroon ng mga sintomas ng post-traumatic stress, ayon dito.

“They often feel ashamed and guilty about the things they do and they exhibit self-destructive behavior, like using alcohol or drugs to relax and escape from their problems,” sabi ng child rights’ group.


Sa resulta ng mga pananaliksik, hinikayat ng Terre des Hommes ang mga gobyerno sa buong mundo na magpatupad ng proactive investigation policies sa mga kaso ng child exploitation, nangangambang patuloy na tataas ang bilang ng mga biktima sa bung mundo.


Sa isang panayam ng Associated Press, sinabi ni Hans Guyt, Terre des Hommes director of projects, na “If we don’t intervene soon, this sinister phenomenon will totally run out of control.”


Sinabi niya na ang webcam sex sa mga menor de edad — na madalas na kinasasangkutan ng kalalakihan mula sa mayayamanng bansa sa Kanluran na binabayaran ang mga bata sa maralitrang bansa para sa sex shows — ay “cottage industry” pa lamang at kailangang sugpuin habang maaga.


“It’s still not too late,” sabi ni Guyt. “Our worst scenario is that the same thing will happen with this as has happened with child pornography — that is now a multibillion dollar industry in the hands of criminal gangs.” – May ulat mula sa Associated Press


.. Continue: Balita.net.ph (source)



1,000 pedophile, nahuli ng virtual Pinay


No comments:

Post a Comment