Sunday, November 17, 2013

Pagkaso sa 2nd batch ng mga sangkot sa pork barrel scam naunsyami

MULING naunsyami ang paghahain ng kaso laban sa ikalawang batch ng mga nasasangkot sa pork barrel scam.


Ang pagkaunsyami ay nang ipinagpaliban ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso sa pangalawang batch ng mga sangkot sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam


Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nakatakda na sana nilang isampa ang kaso noong isang linggo ngunit dahil sa kalamidad na tumama sa Central Visayas ay hindi nila nagawa.


Gayunman, hinihintay din ng DoJ ang magiging pahayag ng tanggapan ng Ombudsman hinggil sa development ng kaso ng unang batch bago nila isampa ang pangalawa.


Kasunod nito, inihayag din ni de Lima na posibleng matapos na ng Ombudsman ang preliminary investigation sa unang batch ng mga kinasuhan bago matapos ang taong ito.


The post Pagkaso sa 2nd batch ng mga sangkot sa pork barrel scam naunsyami appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkaso sa 2nd batch ng mga sangkot sa pork barrel scam naunsyami


No comments:

Post a Comment