Sunday, November 17, 2013

Kelot patay, 2 malubha sa tarak ng menor de edad

NAMATAY ang isang lalaki habang kritikal naman ang dalawang iba pa matapos pagsasaksakin ng isang menor de edad sa Sitio Malangka, Brgy. Taysan, Legazpi City.


Kinilala ang namatay na si Joel Agripa Jr., 18, habang kritikal naman ang ama nitong si Joel Agripa Sr., 51; at Ramil Ajero, 21, pawang mga residente ng nasabing lugar.


Sa impormasyon, nagkakasiyahan ang mga biktima nang bigla na lamang napasama sa isang kaguluhan ang suspek na si Erick Agripa, 17, ng Barangay Puro, Legazpi City.


Sinasabi na hindi naman ang mga biktima ang nakaalitan ng suspek, kaya nagulat na lamang sila nang biglang undayan ng saksak ng salarin ang mga biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.


Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring insidente.


The post Kelot patay, 2 malubha sa tarak ng menor de edad appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot patay, 2 malubha sa tarak ng menor de edad


No comments:

Post a Comment