Friday, November 8, 2013

Justin Bieber, nahuli sa spray painting ng graffiti sa Brazil

RIO DE JANEIRO (AP) – Inilathala ngayong linggo sa website ng pinakamalaking news outlet sa Brazil ang mga litrato ni Justin Bieber habang nag-i-spray paint ng graffiti sa pader. Nakasaad din sa ulat na nais ng pulisya na tanungin ang Canadian pop star tungkol sa insidente.



Iniulat ng pahayagang O Globo na kinuhanan ng mga photographer si Justin habang gumuguhit ng graffi ti sa pader ng dating Hotel Nacional sa Rio de Janeiro, umaga ng Nobyembre 5.


Krimen ang vandalism sa mga gusali sa Brazil na may katumbas na hanggang isang taong pagkakabilanggo at pagmumulta.


Iniulat ng O Globo na nagtungo ang pulisya sa mansiyon na nirentahan ni Justin sa Rio de Janeiro upang usisain siya, ngunit wala roon ang 19-anyos na singer.


Hindi rin nasagot ang mga tawag sa telepono at mga email sa police department para sa karagdagang detalye. Hindi rin

sinagot ang mga tawag at email sa mga kinatawan ni Justin na sina Melissa Victor, Nick Styne at Aaron Rosenberg.


Ayon sa Globo TV network, umalis na si Justin sa Brazil noong Miyerkules ng umaga lulan sa isang private jet at dumiretso sa Paraguay, para sa nakatakdang pagtatanghal doon.


Sa Bogota na kabisera ng Colombia na pinagtanghalan niya noong nakaraang linggo, iniulat din sa awtoridad na nag-spray paint si Justin sa pader sa isa sa mga pangunahing lansangan sa siyudad habang may kasamang pulis patungo sa police car.


Bukod dito, kumalat din noong Huwebes ang video footage na kuha ng isang babaeng Brazilian na background sa agse-selfie ang isang lalaki na pinaniniwalaang si Justin habang mahimbing na natutulog, at nakakalat sa kama ang paboritong red baseball cap, cellphone at ilang damit.


Marami ang naniniwalang si Justin ang lalaki, batay sa tattoo sa braso na malinaw sa anggulo ng video, samantala tumangging magkomento sa video ang mga kinatawan ng singer nang tawagan ng MailOnline.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Justin Bieber, nahuli sa spray painting ng graffiti sa Brazil


No comments:

Post a Comment