Tuesday, November 12, 2013

PAGDIRIWANG NG IKA-77 ANIBERSARYO NG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION


Ang National Bureau of Investigation (NBI), isang line agency sa ilalim ng Department of Justice, ay ang premyadong investigative agency ng gobyerno. Nagdiriwang ito ngayon, Nobyembre 13, 2013, ng ika-77 anibersaryo.



Nag-iiyu ng mga clearance for employment o travel ang NBI. Daan-daan nating kababayan ang nagtutungo sa kanilang main office o satellite offices araw-araw upang makakuha ng naturang kinakailangang dokumento. Noong 2011, gumamit na ang NBI ng kakaibang electronic clearance system na tinatawag na Biometric Clearance System at nagbukas ng mga satellite clearance center sa buong bansa. Ngayon mayroon nang 63 naturang center – 16 regional, 22 district, 11 sa lokal na pamahalaan, at ang iba ay nasa mga mall.


Pangunahing layunin ng NBI ang ang pagresolba ng mga kaso. Mayroon itong special operations groups na may intelligence specialization. Mayroon din itong investigative jurisdiction sa mga kasong kriminal, administratibo at sibil. Pinaiigting ngayon ng NBI upang matugunan ang pangangailangan sa justice at intelligence work, pati na ang bagong buong Forensic Science Division.


Nilikha ang NBI bilang Department of Investigation (DI) noong Nobyembre 13, 1936 sa bisa ng Commonwealth Act No. 181. Hinulma sa Federal Bureau of Investigation ng America, ang DI ay may 45 tauhan, na katuwang ang isang civilian staff ng doctors, chemists, fingerprint technicians, photographers, at stenographers. Ang DI ay kaanib ng Bureau of Internal Revenue at ng Philippine Constabulary. Pagkatapos ng digmaan, ang mga DI agent ay ni-recruit ng American Army bilang mga imbestigador. Noong Hunyo 19, 1947, sa bisa ng Republic Act 157, nireorganisa ito at naging Bureau of Investigation. Sa bisa naman ng Executive Order No. 94 na inisyu noong Oktubre 4, 1947, pinangalanan ito bilang National Bureau of Investigation.


Binabati natin ang Department of Justice sa pangunguna ni Secretary Leila M. De Lima at ang National Bureau of nvestigation sa pamumuno ni Officer-in-Charge Atty. Medardo G. De Lemos, sa kanilang pasisikap sa pag-iimbestiga at pagreresolba ng malalaking kaso na may interes ng gobyerno at mamamayan sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PAGDIRIWANG NG IKA-77 ANIBERSARYO NG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION


No comments:

Post a Comment