Tuesday, November 12, 2013

Jed Madela, nasorpresa sa tatlong nominasyon sa World Music Awards

ISANG malaking sorpresa para kay Jed Madela ang pagkaka-nominate niya sa World Music Awards sa tatlong category- World’s Best Male Artist, World’s Best Live Act at World’s Best Entertainer.


Jed Madela Kamakailan lang ay si Jed Madela naman ang tinanghal na Best Concert Performer sa Star Awards for Music.



Kasalukuyang abala si Jed sa paghahanda sa kanyang 10th Anniversary Concert na ayon sa kanya ay itatanghal for a cause kaya lahat ng guests niya ay libre lahat o walang ni isa mang humingi ng kahit honorarium!


Nang makausap namin si Jed ay napansin naming pumayat na siya. Sobra raw ang ginawa niyang pagdedetox at araw-araw siyang nagwo-work out.


Sa November 15 sa PICC Plenary Hall gaganapin ang concert ni Jed, makakasabay niya ang concert naman ni Sarah sa Araneta Coliseum. Pero kahit may konting kabang naramdaman ay very confident naman daw si Jed na marami pa rin ang manonood ng concert niya.


“Magkaiba naman ang audience namin ni Sarah (Geronimo). At sold out naman na ang concert niya at may mga repeat na, at nakaplano ahead ang mga concerts namin kaya walang personalan sa tapatan. Kami naman ni Sarah, eh, we are supportive of each other lagi,” banggit pa rin ng magaling na singer at concert performer. -Jimi C. Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Jed Madela, nasorpresa sa tatlong nominasyon sa World Music Awards


No comments:

Post a Comment