Tuesday, November 19, 2013

PAGBANGON MULA SA BANGUNGOT

Tuluy-tuloy ang daloy ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Batay sa mga balita, halos lahat nakatatanggap na ng panandaliang tulong gaya ng pagkain, tubig at gamot. Nagsisimula nang itayo ng mga apektado ng bagyo ang kanilang mga tahanan. Nguni hindi maaaring kayanin ng mga mamamayan at lokal na pamahalaan ang pagbangon mula sa pinsalang dulot ng bagyo.



Masasabing sapat ang ibinigay at patulong pang dumarating na tulong, at ang nakakasagabal lamang upang maibigay sa lahat ng nasalanta ay ang mga kalsadang hindi pa naaalisan ng natumbang mga punongkahoy at poste. Sa kabuuan, nalampasan na natin ang unang pangangailangan. Inaasahan natin na patuloy na mabubuksan ang lahat ng daanan upang maging tuloy-tuloy na ang pagdaloy ng tulong sa mga biktima ng bagyo.


Napakalaking pondo ng kakailanganin upang maibangon angmaraming pamayanan sa Central Visayas. Ayon sa administrasyon, may ilang bilyong piso na magagamit mula sa calamity fund ng pangulo at iba pang pondo sa ilalim ng kanyang tanggapan Makatutulong din ang programang inilulunsad ng International Labor Organization (ILO) upang mabigyan ng hanapbuhay ang 45 porsyento ng tinatayang tatlong milyong manggagawa na nawalan ng hanapbuhay. Naniniwala ako na marami pang magagawa upang matulungan ang mga magsasaka, mangingisda at ibang mga manggagawa na nawalan ng trabaho. Maaari silang makatulong sa pagtatayo ng mga tahanan, paaralan, ospital at iba pang institusyon, maging sa pag-aayos ng kalsada at mga tulay na napinsala ng bagyo.


Maaari ring palawakin ng Department of Social Welfare and Development ang conditional cash transfer program nito, o luwagan ang mga kondisyon upang marami pang makinabang sa programa. Sa aking pananaw, maaari ring magamit ang nalalabing Priority Development Assistance Fund (PDAF), na kilala rin bilang pork barrel. Sa kabila ng mga kontrobersiya, walang kumukuwestiyon sa legalidad ng PDAF dahil ito ay nilikha ng batas. Ang tinutukoy ko ay nalalabing pondo mula sa PDAF sa ilalim ng badyet ng 2013, na isa nang batas. Maaaring magamit ang natitirang PDAF ng mga senador at ng mga kinatawan mula sa Silangang Kabisayaan at mga distritong apektado ng bagyo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PAGBANGON MULA SA BANGUNGOT


No comments:

Post a Comment