Tuesday, November 19, 2013

Mayor at vice-mayor muntik magsabunutan dahil sa banderitas

NAGKAINITAN sina Bani Mayor Gwen Yamamoto at ang kanyang Vice Mayor na si Filipina Rivera dahil lamang sa mga nakasabit na banderitas sa kanilang Municipal Hall.


Nabatid na naging mainit ang kromprontasyon ng dalawang opisyal na muntik na mauwi sa sabunutan na ikinagulat naman ng mga taong naroon sa lugar na nakasaksi sa komprontasyon.


Inireklamo ni Vice Mayor Rivera ang alkalde at sinabing sinugod siya ni Mayor Yamamoto matapos maiparating na kanyang tinanggal ang mga nakasabit na banderitas at tinangka pa siyang sampalin.


Paliwanag naman ng alkalde na pinuntahan lamang niya si Rivera para tanungin kung bakit niya inalis ang mga banderitas at iginiit na walang balak saktan ang bise alkalde.


Pagtitiyak ni Yamamoto na may mga nakakita rin aniya sa insidente at makakapagpatunay.


Kaugnay nito, kumakalat naman sa social networking site na Facebook ang namagitang komprontasyon ng dalawang opisyal.


The post Mayor at vice-mayor muntik magsabunutan dahil sa banderitas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mayor at vice-mayor muntik magsabunutan dahil sa banderitas


No comments:

Post a Comment