Friday, November 8, 2013

Paano nabubuo ang isang super typhoon?

Isang dambuhalang bagyo ang umusbong mula sa Western Pacific, ang uri na hindi pa nasaksihan sa loob ng ilang taon, sinabing mga meteorologist. Ang bagyo, Super Typhoon Yolanda (international name: Haiyan), ay naging pinakamalakas na bagyo ngayong taon at nanalasa sa Pilipinas, nagdulot ng malaking pinsala sa mga lugar na tinamaan nito.



Ang tropical cyclone (ang blanket term para sa mga hurricane at bagyo) ay may taglay na hanging 200 mph (320 km/h), ayon sa mga pagtaya mula sa National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), sa lakas ng hangin na 225 mph (360 km/h), sinabi ni Brian McNoldy, tropical weather expert sa University of Miami. Ito ay katumbas ng napakalakas na Category 5 hurricane sa Saffir-Simpson Scale, ginagamit para iranggo ang mga cyclone sa Atlantic Ocean.


“It’s about as strong as tropical cyclones can get on Earth,” sabi ni McNoldy sa LiveScience.


Isinulat ni Ryan Maue, meteorologist sa Weatherbell Analytics, sa Twitter na ang “Yolanda” ang may pinakamalakas na hangin simula ng Super Typhoon Tip noong 1979, ang pinakamalaki at pinakamalakas na tropical cyclone na naitala sa kasaysayan. Ang taglay na hangin ng “Yolanda” ang gumawa ditong pinakamalakas na bagyo sa satellite era.


Naging napakalakas ng “Yolanda” dahil “it has everything working for it,” ayon kay McNoldy. Una, nabuo ito sa open ocean, kaya walang lupa na maaaring pumigil sa pagbubuo nito ng symmetrical circular pattern, na nakatutulong sa pag-ipon ng lakas ng isang bagyo, aniya.


Pangalawa, ang temperatura ng dagat ay masyadong maalinsangan, pumapalo sa 86 degrees Fahrenheit (30 degrees Celsius). Katumbas nito, ang mainit na tubig ay tumatagos hanggang sa kailaliman ng dagat, nangangahulugan na ang upwelling na sanhi ng mga hangin ay hindi naghihikayat sa malamig na tubig, na magpapahina sa lakas ng bagyo, sabi ni McNoldy. Ang mga tropical cyclone ay karaniwan nang mga higanteng heat engines, na pinapalakas ng paglilipat ng init mula sa dagat patungo sa upper atmosphere.


Pangatlo, napakanipis ng hangin sa lugar nang mga panahong iyon, ayon kay McNoldy. Ang wind shear, ang difference sa wind speed o direction sa pagtaas ng altitude, ang humahati sa mga namumuong hurricane, at pinipigilan ang kanilang paglakas. Ang wind shear na dulot ng westerly winds ay ang pangunahing dahilan kung bakit ang Atlantic hurricane season ay may iilang malalakas na bagyo, at huli nang nabubuo, ayon sa weather experts.


Ang “Yolanda” ang ika- 11 bagyong nabuo sa Western Pacific sa nakalipas na pitong linggo, na may “exceptionally active period,” ayon sa UK Met Office News Blog. Ito rin ang ikalimang super typhoon ng taon.


Bibihira ito dahil ang peak ng panahon ng mga bagyo ay kadalasang nagaganap na maaga ng isang buwan, ayon kay McNoldy. Ang wind shear sa lugar ay malamang na pipigil upang ito ay mangyari, at ngayon ang lugar ay naging aktibong muli dahil sa panghihina ng upper-level winds at nagpapatuloy na warm surface waters, dagdag niya.


Sa Western Pacific, ang isang tropical storm ay nagigin bagyo kapag ang hangin nito ay umabot sa 74 mph (119 km/h). Sila ay nagiging mga super typhoon kapag ang kanilang hangin ay umabot sa 150 mph (241 km/h), katumbas ng malakas na Category 4 o 5 hurricane, ayon sa NOAA. – LiveScience.com


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Paano nabubuo ang isang super typhoon?


No comments:

Post a Comment