Friday, November 8, 2013

Mancio, makikipagsabayan kontra kay Inoue

Muling mabibigyan ng ikalawang pagkakataon si Philippine light flyweight champion Jerson Mancio sa pagsabak sa kampeong Hapones na si Naoya Inoue para sa bakanteng OPBF 108 pound title sa Disyembre 6 sa Kokugikan, Tokyo, Japan.


Walang talo si Inoue sa apat na laban pero paborito ang boksingerong binansagang “Monster” dahil isa lang ang hindi niya napatulog sa apat na panalo.



Minsan nang dumayo si Mancio para harapin si dating OPBF light flyweight champion Ryo Miyazaki noong Oktubre 2, 2011 sa Osaka, Japan at nakipagsabayan siya kaya natalo sa 4th round knockout.


Nabakante naman ang korona nang bumaba ng dibisyon si Miyazaki na kasalukuyang WBA minimumweight champion.


Inaasahang sisikapin ni Mancio na talunin si Inoue dahil tiyak na papasok siya sa world rankings kapag nadaig ang Hapones na nakatalang No. 5 sa WBA, No. 9 sa WBC at No. 15 sa WBO kahit may apat na laban pa lamang. – Gilbert Espeña


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mancio, makikipagsabayan kontra kay Inoue


No comments:

Post a Comment