Sunday, November 10, 2013

P235-M pinsala ng bagyong Yolanda sa Masbate

AABOT sa P235 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura mula lamang sa siyam na bayan sa Masbate.


Nakatakdang magpulong ngayon ang lokal na pamahalaan ng Masbate upang ilatag ang kabuuang pinsalang iniwan ng hagupit ng bagyong Yolanda.


Ito’y magmumula mismo sa mga munisipyo ng lalawigan na sinalanta ng sama ng panahon para sa inisyal na talaan ng Department of Agriculture.


Napag-alaman na kahapon ay nagkaroon ng aerial survey sa lugar at apat na helicopter ang nag-ikot.


Lumalabas na dahil may 20 bayan at isang lungsod ang Masbate kaya inaasahan na ang nasabing halaga ay madadagdagan pa.


Samantala, tiwala naman ang mga taga-Masbate na hindi nila kalugar ang namatay na mga mangingisda sa Estancia, Iloilo.


Posibleng mula sila sa Panay Island at Capiz na kadalasan din naliligaw sa nasabing lugar.


Imposible anila na mula sa kanilang lugar ang mga ito dahil umaga pa lamang ng Miyerkules bago dumating ang bagyo ay naabisuhan na ang mga mangingisda na huwag pumalaot, lalo na sa bayan ng Balud at Esperanza na malapit na sa Iloilo.


Sa ngayon, wala nang naidagdag pa sa bilang ng apat na naitalang namatay sa lugar at tanging mga sugatan na lamang ang kanilang natatanggap na mga impromasyon.


The post P235-M pinsala ng bagyong Yolanda sa Masbate appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P235-M pinsala ng bagyong Yolanda sa Masbate


No comments:

Post a Comment