Sunday, November 10, 2013

Mahigit 2,000 nasawi o nawawala sa ibang lugar ng Visayas

Habang nakatutok ang atensiyon ng bansa sa Tacloban City at sa iba pang lugar ng Leyte, libu-libo pa ang pinaniniwalaang nawawala sa ibang bahagi ng Visayas, na sinalanta rin ng super typhoon ‘Yolanda.’


Sa Western Visayas, 67 katao ang nasawi sa apat na lalawigan ng Visayas habang 32 iba pa ang pinaghahanap.



Sinabi ni Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., director ng Western Visayas Regional Police Office, na pinakamarami ang nasawi sa Iloilo, na umabot sa 44, habang 21 iba pa ang sugatan. Iisa lang naitalang nawawala sa Iloilo.


Sumunod ang Capiz, na may 17 nasawi, habang 39 ang nawawala, ayon kay Cruz.


Sa Central Visayas, 40 katao ang naiulat na nasawi sa Cebu habang tatlo ang naiulat na nawawala—isa sa Cebu at isa sa Bohol.


“Most of the fatalities are in northern part of Cebu, which was among those where ‘Yolanda’ made a landfall,” sabi ni Chief Supt. Danilo Constantino, director ng Central Visayas Regional Police Office.


Ayon pa kay Constantino, ang Bantayan, Cebu ang isa sa pinakamatinding naapektuhan ng bagyo, na naputol ang supply ng kuryente at linya ng komunikasyon.


Sa Samar, umabot sa 300 katao ang kumpirmadong patay sa bayan ng Basey. – Aaron B. Recuenco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mahigit 2,000 nasawi o nawawala sa ibang lugar ng Visayas


No comments:

Post a Comment