Sunday, November 10, 2013

Dinagat Island at Surigao del Norte wala pa ring koryente

NAKARARANAS pa rin ng matinding brownout ang maraming barangay sa Dinagat Island, isla ng Siargao at Bucas Grande sa Surigao del Norte, matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda.


Kinumpirma ni Engr. Sergio Dagooc, general manager ng Dinagat Islands Electric Cooperative Inc. (DIELCO) na sa pagtama ni Yolanda, hindi pa rin naibabalik ang suplay ng koryente sa pitong bayan sa Dinagat.


Aminado naman si Dagooc na nagtitiis pa rin sa dilim ang mga residenteng naninirahan sa bayan ng Tubajon dahil sa hindi pa madaanan ang mga kalsada at nahihirapan silang maihatid ang bagong poste at iba pang materyales sa lugar.


Mula sa 100 na barangay sa buong lalawigan, 53 pa lang ang naibalik na ang power supply habang sa Siargao at Bucas Grande Island sa Surigao del Norte, sinabi ni Dagooc na sa 134 barangays, 27 na lang ang nakakaranas ng brownout.


Hindi pa rin natukoy ang halaga ng pinsala na dulot ng bagyo.


Kumpiyansa naman ang opisyal na malulutas nila ngayong Linggo ang problema sa restoration ng koryente.


Tutulong na ang electric cooperatives gaya ng Surigao del Sur Electric Cooperative Inc. at Agusan del Norte Electric Cooperative Inc. sa pagsasaayos ng mga linya ng koryente sa Dinagat.


The post Dinagat Island at Surigao del Norte wala pa ring koryente appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dinagat Island at Surigao del Norte wala pa ring koryente


No comments:

Post a Comment