Sunday, November 3, 2013

P2-B inilaan sa ‘jobless’ OFWs mula sa Saudi

NAGLAAN ng P2-billion reintegration fund ang gobyerno para sa mga kababayang uuwi ng Pilipinas mula sa Saudi Arabia.


Kaugnay nito, pinawi ng pamahalaang Pilipinas ang pangamba ng pamillya at kamag-anak ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia, sa gitna na rin nang implementasyon ng “Saudization” policy sa nasabing bansa.


Tinukoy Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr., na nakahanda ang pamahalaang magbigay ng ayuda sa mga OFWs na kaagad makahanap ng bagong trabaho.


Sinabi naman ni DFA spokesperson Asec. Raul Hernandez, na mayroong kasunduan ang Pilipinas at Saudi government na hindi na maaaring arestuhin ang naturang mga kababayan dahil nakabinbin na lamang ang proseso ng kanilang mga immigration requirements.


Una nang nilinaw ng Saudi Ministry of Labor na walang mangyayaring extension sa itinakdang deadline para sa Saudization policy, taliwas sa kumalat na balita.


The post P2-B inilaan sa ‘jobless’ OFWs mula sa Saudi appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P2-B inilaan sa ‘jobless’ OFWs mula sa Saudi


No comments:

Post a Comment