NIYANIG ng magnitude 6.0 na lindol ang probinsya ng Sultan Kudarat alas-7:04 kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig sa lalim na 556 kilometro at nasa 195 kilometro sa nasabing bayan.
Kaugnay nito, naramdaman ang Intensity 3 sa Malita, Davao Oriental, habang Intensity 2 naman Davao City.
Sa mga oras na ito ay wala namang napaulat na casualties o nasirang ari-arian.
The post Sultan Kudarat inuga ng magnitude 6.0 na lindol appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment