Sunday, November 3, 2013

‘My Husband’s Lover’ concert, mega-flop pala


MATAGAL nang nakabangko sa email namin ito kasi hindi lang namin pinapansin, pero nang mabasa namin ay may isyu pala.


Ito ang laman ng email na hindi na namin babanggitin kung kanino galing: “Reggs, nanood ka ba ng concert ng My Husband’s Lover? Grabe, ang tsaka-tsaka, bakit ginawang concert? Dapat TV special na lang iyon. Dapat inilibre na lang nila iyon bilang pasasalamat sa mga sumubaybay sa programa nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Nakakaloka ang GMA-7.”



Siyempre hindi kami makarelate kasi hindi naman kami nanood ng concert na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, kaya nagtanung-tanong na lang kami sa mga nakapanood at kakilala namin sa GMA-7.


” Actually, hindi nga maganda ang show, ewan ko ba kung bakit ginawang concert. Sana nga libre na lang para maski paano napuno. Eh, hayan, konti lang ang tao, pinapasok na nga ‘yung iba. Ka-cheap-an!” sey mismo ng taga-Siyete.


Natawa kaming bigla dahil Tom at Dennis kahit pala mismong taga-GMA ay hindi nasiyahan sa nasabing concert.


“Sayang nga ang effort ni Kuh (Ledesma) kasi siya lang talaga ‘yung kitang-kitang nagtawid ng show. Naku, ewan!” sabi pa sa amino


Sana ginaya na lang nila ‘yung Walang Hanggan pasasalamat concert nina Coco Martin at Julia Montes na ginanap din sa Big Dome bilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa serye na inabot halos ng isang taon.


“Eh, akala kasi ng GMA, ganu’n karami’ng manonood ng My Husband’s Lover kasi nga talk of the town, eh, kung inilibre nila, tiyak simpuno rin ng Walang Hanggan ang Araneta,” sabi pa sa amin.


Oo nga, kasi ‘pag napuno ang isang venue ng show, sasabihin, kasi libre kay a puno. E, paano naman ‘yung may bayad pero hindi puno, eh, di mega-flop ang tawag, di ba, Bossing DMB?


“Kasi may bayad ang Araneta (Coliseum) kay a may bayad ang show,” dagdag pa.


Kung sabagay. Sa susunod sana sa mall na lang sila mag-show para ang mismong mall pa ang magbabayad tulad ng Juan de la Cruz/My Little Juan nina Coco, Erich Gonzales at Izzy Canillo na certified jampacked ang pasasalamat show sa Trinoma Activity Center na umabot ang tao hanggang sa ikaapat na palapag. – Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘My Husband’s Lover’ concert, mega-flop pala


No comments:

Post a Comment