Friday, November 8, 2013

P180-M shabu nasabat sa Zambo airport

TINATAYANG nasa 20 kilo ng shabu na umaabot sa halagang P180 million ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa airport ng Zamboanga City mula sa dalawang suspek na ipadadala sana sa Tawi-Tawi.


Sa ulat ng Zamboanga City police office, pasado alas-7:00 Biyernes ng umaga nang pumasok sa airport ang dalawang suspek na kinilalang sina Mohamad Daud Arabani Hashim at Salim Sabtari Kalim, mga residente ng Bongao, Tawi-Tawi dala-dala ang malaking karton.


Kaagad nakipag-ugnayan ang awtoridad sa mga miyembro ng Aviation Security Group ng airport matapos mapansin na hindi maklaro sa x-ray machine ang laman ng mga karton.


Nang suriin ang laman ng malaking karton ay dito na nakita na naglalamn ito ng mga shabu na maingat na binalot at isinilid sa 20 karton ng powdered milk at inilagay sa malaking karton na nakahalo sa grocery items.


Kasunod nito, kaagad inaresto ang dalawang suspek at dinala sa Zamboanga City police office.


Lumalabas sa imbestigasyon na dumating sa Zamboanga International Airport ang dalawang nahuling suspek nitong Huwebes galing sa Maynila at dumiretso sa isang hotel at doon nagpalipas ng gabi.


Bumalik muli sa airport ang mga ito dala ang kanilang bagahe para sumakay muli ng eroplano papunta sa Tawi-Tawi pero hindi na sila nakalusot sa kanilang dalang karton na naglalaman ng milyong halaga ng shabu.


Giit naman ng mga suspek, wala silang alam na may lamang shabu ang mga karton at inakalang mga grocery items ang laman nito.


Isinailalim na sa tactical interrogation ang dalawa para matukoy ang iba pa nilang kasamahan.


The post P180-M shabu nasabat sa Zambo airport appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P180-M shabu nasabat sa Zambo airport


No comments:

Post a Comment