Friday, November 8, 2013

36M katao apektado ng supertyphoon – DSWD

TINATAYANG mahigit sa 36 million katao ang naapektuhan ng pananalasa ng supertyphoon Yolanda sa bansa.


Iniulat ni DSWD Sec. Dinky Soliman na ang naturang bilang ay mula sa limang mga rehiyon na binubuo ng 17 probinsiya, 16 na siyudad at 67 munisipalidad na naapektuhan ang mga residente.


Sa ngayon, may kabuuang 315 na mga evacuation centers ang itinayo ng pamahalaan.


Halos isang milyon o 913,319 katao naman ang tinutulungan ngayon ng DSWD na karamihan ay mga nagsilikas.


Ipinagmalaki ni Soliman ang nagawa ng iba’t ibang mga ahensiya kasama na ang mga LGUs para sa maagang preemptive evacuation upang makaiwas sa mga sakuna ang mga residente na direktang tinumbok ang lugar ng bagyong Yolanda.


Tiniyak din ng kalihim na liban sa naka-ready o pre-positioned na food packs ay meron din silang inilaang P196 million na halaga ng non-food items at cash bilang pantulong sa mga maaapektuhan ng kalamidad.


The post 36M katao apektado ng supertyphoon – DSWD appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



36M katao apektado ng supertyphoon – DSWD


No comments:

Post a Comment