Friday, November 8, 2013

Korean wanted sa large-scale estafa, arestado sa Boracay

Isang Koreano, na pinaghahanap ng kanyang gobyerno dahil sa pagkakasangkot sa multibilyong dolyar na swindling

case, ang naaresto habang nagbabakasyon sa Boracay Island sa Aklan, ayon sa Bureau of Immigration.


Kinilala ni Immigration Officer-in-Charge Siegfried Mison ang suspek na si Kim Jin Soo, 25, na ngayo’y nakapiit sa BI detention center sa Bicutan, Taguig City.



Ipatatapon sa South Korea ang suspek matapos magpalabas ng kautusan ang BI Board of Commissioners.


Matapos matunugan na naaresto si Soo dahil sa hindi pagbayad ng hotel bill noong Oktubre 14, agad na nagtungo ang mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit sa Boracay.


Sinabi ni Mison na humingi ng tulong ang Korean Embassy sa BI upang maaresto si Kim dahil sa pinaghahanap ito sa South Korea dahil sa pagkakasangkot sa bigtime estafa.


Ayon pa sa BI, ideneklarang overstaying sa Pilipinas si Kim simula pa noong Disyembre 27, 2012. – Jun Ramirez


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Korean wanted sa large-scale estafa, arestado sa Boracay


No comments:

Post a Comment