Sunday, November 17, 2013

P15B calamity assistance fund, prayoridad ng Senado

Tatalakayin sa muling pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong Lunes, ang panukalang pagaalis sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) at restructuring ng P2.268-trillion national budget upang makapaglaan ng pondo sa rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng sunud-sunod na kalamidad.



Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na tatalakayin ng Senado ang pagbuo ng hiwalay na pondo mula sa 2014 national budget na ilalaan sa malawakang pagkukumpuni sa mga istrukturang nawasak ng bagyong ‘Yolanda’ sa ilang lalawigan sa Visayas.


Isinulong ni Drilon ang pagtatatag ng P15-bilyon na Calamity Assistance and Rehabilitation Effort (CARE) na hindi natalakay ng Mababang Kapulungan nang ipasa ang national budget noong Oktubre.


“This 2014 proposed national budget was crafted without taking into account these calamities because we didn’t know this would happen. It is necessary to secure separate funds for the rehabilitation of provinces and cities that have been destroyed by Yolanda and the massive 7.2 magnitude earthquake,” ani Drilon.


Una rito, hiniling ni Drilon sa Department of Budget and Management (DBM) na magsumite ng bagong budget proposal na maaaring ikonsidera ng Senado sa bicameral conference committee upang maitama ang ilang mahahalagang gastusin ng gobyerno sa 2014 budget. – Hannah L. Torregoza


.. Continue: Balita.net.ph (source)



P15B calamity assistance fund, prayoridad ng Senado


No comments:

Post a Comment