Sunday, November 17, 2013

Maguindanao massacre: 2 suspek, iisa ang pangalan

Ni Chito Chavez


Dalawang arestadong suspek sa Maguindanao massacre noong 2009 na magkapareho ang pangalan ang maghaharap ngayong Lunes sa Quezon City Regional Trial Court upang linawin ang isyu.


Itinakda ni QC-RTC Branch 21 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang pagdinig ngayong Lunes upang matukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng dalawang suspek.



Natanggap ng korte noong Nobyembre 14, 2013 ang return of warrant of arrest na may petsang Nobyembre 11, 2013 para sa isang Dexson Saptula, alyas “Mohamad Adam,” na kabilang sa mga akusado sa Criminal Case No. Q-09-162148, Q-09-

162216-31 at Q-10-162652-66.


Ikinabit sa return of warrant of arrest na nilagdaan ni Supt. Joe Wilson Denamarca, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng ARMM, ang alias warrant of arrest ni Dexson Saptula na may petsang Abril 21, 2010; booking sheet at arrest report; joint affidavit of apprehension na inihanda ni PO1 Teofilo Abubo Jr. at PO3 Nijel Orfrecio; at joint affidavit of identification na inihanda nina Esmail Guiamad at Pendatun Ali.


Subalit base sa pagrerepaso ng korte sa case records, lumitaw na isa pang return of warrant ng isang Dexson Saptula, alyas Rene Matuti, na kabilang sa kaparehong criminal case number na isinumite ni Senior Supt. Recson Tito Acabado noong Pebrero 20, 2013.


Ipinagtaka ito ni Judge Reyes na nagsasagawa ng pagdinig ang korte sa kaso ng unang “Dexson Saptula” na arestado na.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Maguindanao massacre: 2 suspek, iisa ang pangalan


No comments:

Post a Comment