Sunday, November 10, 2013

NDRRMC: Death toll kay ‘Yolanda’ 255 na

PUMALO na sa 255 ang namatay sa pananalasa ng supertyphoon Yolanda sa bansa.


Ayon kay Major Reynaldo Balido, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi niyang malaking bilang ng mga naitalang patay ay mula sa Tacloban, Leyte kung saan 140 ang naitalang patay.


Batay sa nakalap na datos ng NDRRMC kaninang umaga, 46 mula sa inisyal na naiulat na mga namatay ay mula sa Palo, Leyte.


Kabuuang 38 ang naitatalang patay sa Region 6 kabilang ang Iloilo, Antique, Aklan, Capiz.


Kabuuang 25 ang namatay sa Eastern Samar; 16 mula sa Hernani at 9 naman mula sa bayan ng Giporlos.


Ani Balido, wala pang pagkakakilalan ang mga biktima.


Ipinaliwanag ni Balido na natatagalan ang pag-update sa bilang ng mga namatay dahil maraming lugar anya ng hindi pa na nakukuhaan ng datos dahil bagsak pa rin ang linya ng komunikasyon.


The post NDRRMC: Death toll kay ‘Yolanda’ 255 na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NDRRMC: Death toll kay ‘Yolanda’ 255 na


No comments:

Post a Comment