Sunday, November 10, 2013

State of national calamity sa buong bansa ipinadedeklara

INIHAIN na ng 15 kongresista ang House Resolution 445 na humihiling kay Pangulong Aquino na isailalim sa state of calamity ang buong bansa.


Sa isang press conference, malungkot na sinabi ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na ito na ang pinakagrabe at pinakamalawak na trahedya na pumalo sa bansa.


Subalit gaya aniya ni General McArthur sa kaniyang binitiwang “I shall return” ay sigurado aniyang babangon at magbabalik sa normal na sitwasyon ang Leyte.


Ito rin ang nagtulak sa mga mambabatas na suportahan ang resolusyon matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda.


Bagamat wala pang kumpirmadong bilang ng nasasawi, sinabi ni Romualdez na aabot ito sa libong katao.


Humingi rin ng supplemental budget ang mga solon na lumagda sa resolusyon sa gobyerno upang magugol sa rehabilitasyon.


The post State of national calamity sa buong bansa ipinadedeklara appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



State of national calamity sa buong bansa ipinadedeklara


No comments:

Post a Comment