Sunday, November 10, 2013

24/7 hotline sa Cavite, ipinagdiwang

Ipinagdiwang kamakailan ng isang mobile service operator ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaang bayan ng General Trias sa Cavite para sa serbisyo ng 24/7 hotline system nito na limang taon na ngayon.


Itinatag noong Agosto 2006, layunin ng Sun 24/7 hotline system na paigtingin ang ugnayan ng pamahalaang bayan at mga mamamayan.



Pinalawak ng nasabing sistema ang pagbibigay ng impormasyon, pag-uulat ng krimen, at iba pang mahahalagang bagay na nagsulong ng peace and order, transparency at pinag-ibayong ugnayan ng komunidad.


Ang 24/7 hotline system ay nagbibigay din ng unlimited call at text services sa General Trias.


Pinangungunahan ng dalawang main hotline na “Serbisyo 24/7” text hotline at “Mayor’s 24/7” call and text hotline, ang nasabing sistema ay may 220 mobile at wireless desk phone sa 33 barangay sa Cavite, kasama na ang mga pampublikong paaralan, tanggapan ng social services, civil groups at homeowners associations.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



24/7 hotline sa Cavite, ipinagdiwang


No comments:

Post a Comment