Friday, November 1, 2013

NATIONAL RICE AWARENESS MONTH CELEBRATION


Taun-taong ipinagdiriwang ang Nobyembre bilang National Rice Awareness Month alinsunod sa Presidential Proclamation No. 524 na inisyu noong Enero 5, 2004. Doble ang kahalagahan ng selebrasyon sapagkat ang 2013 ay idineklara rin bilang National Year of Rice sa bisa naman ng Proclamation no. 494 na nilagdaan noong Oktubre 18, 2012.



Ang tema para sa kambal na selebrasyon ay “Sapat na Bigas, Kaya ng ‘Pinas” ay nagpapalawak ng kaalaman sa kung paano susuportahan ng bansa ang pagtataguyod ng pagkonsumo ng kanin para sa mas maayos na kalusugan at pagpapababa ang pagaaksaya ng bigas at mas produktibong pagsasaka. Hinihimok ang mga magsasaka na gumamit ng makabagong teknolohiya. Bahagi ng kambal na selebrasyon ang isang fun run at isang symposium hinggil sa rice genetics.


Ang isang buwang okasyon ay kasabay ng anibersaryo ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice)na nilikha noong 1985. Pinangungunahan ng PhilRice ang rice sector ngayong buwan sa pagsisikap na makamit ng Pilipinas ng kasapatan sa bigas ngayong taon, at resolbahin ang mga isyung kaugnay ng malnutrisyon. Hinihimok ang mga consumer na kumain ng unpolished o brown rice sapagkat taglay nito ang mas mataas na milling recovery rate na 75% kumpara sa 65% ng puting bigas. Mas masustansiya ang brown rice sapagkat taglay nito ang mga sustansiyang natatanggal sa paggiling.


Ang pagtamo ng self-sufficiency sa bigas ay responsibilidad hindi lamang ng mga magsasaka kundi pati na rin ng mga consumer na kailangang maging responsable sa pagkain ng staple crop na ito. Ipinakikita ng datos mula PhilRice na ang bawat Pilipino ay nag-aaksaya ng dalawang kutsarang kanin araw-araw na, kung iningatan, maaaring magresulta sa import savings na kasintaas ng P6.2 bilyon at maaaring magpakain ng 2.6 milyong maralitang Pilipino sa isang taon.


Binabati natin ang Philippine Rice Research Institute sa pangunguna nina Chairman Department of Agriculture Secretary Proceso J. Alcala at Executive Director Dr. Eufemio T. Rasco Jr. sa kanilang pakikipag-agapayan sa mga grupo ng mga magsasaka, irrigators’ associations, mga lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor upang matiyak na ang imprastraktura, modernong teknolohiya, at suporta sa pagmemerkado ay makaabot sa mga magsasaka ng palay sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



NATIONAL RICE AWARENESS MONTH CELEBRATION


No comments:

Post a Comment