Friday, November 1, 2013

Natalo sa sabong, biglang bumulagta

Nagpatiwakal ba siya o kusang namatay?


Ito ang tanong ng mga imbestigador matapos mabawi ang isang huling testimonya mula sa isang lalaki na biglang tumumba at namatay nang matalo sa sabong sa Quezon City noong Biyernes ng gabi.



Sinabi ni PO1 Louie Serbito, offi cer-on-case, na hinihintay pa nila ang resulta ng awtopsiya sa biktima na nakilala sa pamamagitan ng ATM card at ticket ng pinagsanlaan na si Enrico Lising.


Idineklarang dead-on-arrival sa Chinese General Hospital si Lising matapos itong bumulagta sa La Loma Cockpit Arena sa Calavite St., La Loma, Quezon City.


Ani Serbito, walang palatandaan na magsasabing lasing o lango sa droga ang biktima nang biglang bumulagta ito.


Subalit sinabi ni Serbito na nakakuha sila ng isang liham mula sa bulsa ng biktima kung saan humihingi ito ng kapatawaran at hiling na ilibing siya sa North Cemetery. – Jeffrey Damicog


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Natalo sa sabong, biglang bumulagta


No comments:

Post a Comment