Friday, November 8, 2013

Baculi, ‘di minamasama ang balitang papalitan na siya sa Globalport

Ni Tito S. Talao


JUNEL Baculi Sariwa pa sa pagkuha mula sa rookie draft, naniniwala si Globalport team owner Mikee Romero na ang ingredients para sa mas mainit na kompetisyon sa 39th PBA season ay ang makumpleto na ang puzzle na kanyang pinagdadaanan, ang pagkuha ng bagong coach.



Ang Batang Pier ay may isa na, ang fiery na si Junel Baculi, nagsasagawa ng team practice at siya’y nasa Robinson’s Place sa Ermita, kasama si Romero, nang salubungin ng maluwag ng Batang Pier si rookies Terrence Romeo, RR Garcia at Isaac Holstein bilang 5th, 6th at 7th pick sa unang round noong Linggo.


Ngunit naniniwala ang source na hinubad ni Baculi ang kanyang sariling pagsalubong nang ‘di nito naiwasang sawatain ang kanyang temper sa kasagsagan ng crucial playoff game laban sa Rain or Shine sa nakaraang Governors’ Cup, nagresulta sa kanyang ejection mula sa ikalawang technical sa huling bahagi ng third quarter.


Tinalo ng Elasto Painters ang Batang Pier, hinadlangan ang pinakamalaking tsansa ng Globalport patungo sa semifinals.


Hindi ito nakalimutan ni Romero.


“Boss Mikee felt the team was abandoned when it had a chance to win the game,” ayon sa source.


Tatlong pangalan ang binanggit sa sinasabing posibleng humalili, ang Racela brothers, sina Nash at Olsen, at Alaska Milk assistant Alex Compton.


Si Nash, coach ng Far Eastern University, ay nasa hanay na ng Globalport bilang parte sa bench revamp, kasama sina Richie Ticzon, Mac Cuan at Eric Gonzales sa koponan bilang assistants.


Sinabi ng source na na inisyal na napupusuan ni Romero si Nash Racela nang iulat na si Olsen ay nakatakdang sumanib sa staff ni Tim Cone sa San Mig Coffee matapos ang ill-starred stint bilang Petron Blaze head coach.


Ngunit ang saloobin sa pagwawagi sa kamay ni Compton, marami ang naniwala na siya ang naging instrumental sa Aces’ 2013 Commissioner’s Cup championship series sweep sa Barangay Ginebra San Miguel, ay sinasabing kaakit-akit.


“Pinag-iisipan talaga ni boss Mikee,” pahayag ng source. “Noong una, okey na siya ke coach Nash, pero ngayon gusto niyang subukan kung puwede si Alex Compton.”


Isa pang coach na iniulat na minamataan ni Romero ay si Air21’s Franz Pumaren.


“A ‘yun wala nang tanungan; pag available si coach Franz, sigurado na siyang kukunin ni boss,” giit ng source.


Kinontak ng Tempo, sinabi ni Baculi na nagsilbi siya ng may magandang pagsasamahan nila ni Romero at inamin nito na nakagugulat ang nasabing balita.


“I had no inkling. Wala namang kumakausap sa’kin,” saad ni Baculi sa team practice sa Moro Lorenzo Sports Center kahapon.


Bagamat wala pang pormal na notification mula sa management, sinabi ni Baculi na, “I will continue to do my job. Unless they tell me to stop.”


Sinabi ng source na kumukuha pa ng buwelo ang mga opisyal bago nila isagawa ang kautusan sa pagbaba ni Baculi.


“I won’t mind; professional naman tayo e,” ayon kay Baculi kung sakali mang maganap ang paghalili sa kanya.


Kasama si Compton na sinasabing ‘di pakakawalan ng Alaska management, sa indikasyon ni Aces coach Luigi Trillo, nagsabi sa Spin.ph na, “I don’t think it’s gonna happen in the next three years,” at Olsen Racela na ngayo’y naliligayahan sa muling pagbabalik sa San Mig Coffee (dating Purefoods, ang kanyang original team) bilang assistant ni Tim Cone, ang trabaho ay

tuluyan nang babagsak sa kamay ni Nash Racela, ang coach ng Far Eastern University.


“Okey naman si boss Mikee kay coach Nash e,” ayon sa source, idinagdag na posibleng i-buy out ng Globalport ang natitirang kontrata ni Baculi.


“Tumanda na tayo sa basketball. Nangyayari talaga ang mga bagay na iyan. Basta tayo, trabaho lang. Maybe I’ll seek an audience with boss Mikee. Then let’s see what happens,” ayon kay Baculi.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Baculi, ‘di minamasama ang balitang papalitan na siya sa Globalport


No comments:

Post a Comment