Tuesday, November 5, 2013

Nangyaring trade, pag-uusapan sa board meeting

Gaya ng naging usapan sa nakaraang PBA Annual Draft, nakatakdang tawagan ng pansin ng pamunuan ng PBA ang mga opisyal ng Alaska, Meralco at Rain or Shine matapos ang naging desisyong ginawa ng Barako Bull sa susunod nilang board meeting.



Ito ang kinumpirma mimso ni bagong league chairman Ramon Segismundo kaugnay sa mga ginawa at pinasukang trades ng Energy Cola sa nakaraang Draft.


Mismong ang mga kagawad ng media, partikular ang mga miyembro ng PBA Press Corps at PBA fans ang sumaksi sa naganap na draft kung saan ay nagulat sila sa mga nangyaring trades na kinasasangkutan ng Barako na dapat ay siyang pipili sa No. 4 hanggang 6 picks sa first round.


Una rito, ang pagbibigay nila sa kanilang No. 4 pick sa Barangay Ginebra ay kapalit nina Rico Maierhofer at Willy Wilson.


Sinundan ito ng kanilang pagbigay sa No. 5 pick sa isang 3-way trade na kinasangkutan ng Petron at Globalport kung saan ay napunta sa kanila sina Magi Sison at Mark Isip ng Boosters.


At ang pinakahuli ay ang pakikipagpalit nila sa Globalport sa kanilang No. 6 pick para sa beteranong guard ng Batang Pier na si Denok Miranda.


Malaki naman ang naging pakinabang ng mga naturang trade para sa Kings at Batang Pier dahil nakuha ng una si James Forrester bilang 4th overall pick at sina Terrence Romeo at RR Garcia naman para sa Batang Pier para sa 5th at 6th overall picks.


“Those picks were used to take solid prospects — James Forrester, Terrence Romeo, and RR Garcia — raising questions about the logic of the deal.”


Ngunit nauna nang nagpahayag si PBA Commissioner Chito Salud na wala naman siyang nakikitang anumang problema hinggil sa mga nangyaring trade. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Nangyaring trade, pag-uusapan sa board meeting


No comments:

Post a Comment