Tuesday, November 5, 2013

Matteo, walang problema kung mahigpit man si Mommy Divine

KUNG may mga manliligaw na nahihigpitan sa ina ni Sarah Geronimo ay hindi kasama sa kanila si Matteo Guidicelli.


SARAH Geronimo Para sa isa sa mga bida ng Galema, walang masama kung mahigpit man si Mommy Divine sa Popstar Princess.


“Siyempre, all parents, especially kagaya ni Mommy Divine, eh, dapat din lang naman na protektahan ang isang kagaya ni Sarah. Gusto lamang nila ang the best para sa anak nila,” sey ni Matteo nang makausap namin sa special screening ng Bekikang.



Nabanggit ni Matteo na nagkasama raw sila ni Mommy Divine sa America nang magkaroon ng show roon si Sarah na isa siya sa special guests. Maayos naman daw ang lahat at sobrang cool naman daw ang buong pamilya ng sikat na singer/actress.


Botong-boto na ba sa kanya ang pamilya ni Sarah?


“Well , hindi pa naman kami nakakapag-usap about that,” sagot ni Matteo.


Nang tanungin kung naramdaman ba niya ang sobrang paghihigpit ni Mommy Divine kay Sarah, ang sagot agad ng aktor, lahat naman daw ng mga ina ay istrikto pagdating sa kanilang anak dahil maging ang kanyang ina ay istrikto rin dahil iniisip ang ikabubuti at kapakanan ng anak.


Hindi itinatago ni Matteo ang paghanga niya kay Sarah. Ang isa sa mga nagustuhan niya sa dalaga ay ang pagiging malinis ng puso, ang pagiging matatag at ang kabutihan ng kalooban nito, huh! –Jimi Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Matteo, walang problema kung mahigpit man si Mommy Divine


No comments:

Post a Comment