Tuesday, November 5, 2013

Coco, simpleng buhay ang gusto

Ni Jimi Escala


COCO Martin MAY mga kumukumbinsi kay Coco Martin na pasukin ang pulitika. Pero consistent ang aktor sa mga naunang pahayag niya noon pa na wala talaga siyang balak na maging pulitiko.


Sey niya, kahit wala siya sa larangan ng pulitika ay maaari niyang ipagpatuloy ang pagtulong sa ating mga kababayan.



“Hindi ko na kailangan pang sumabak sa pulitika para makatulong sa kapwa. Sa totoo lang naman, eh, napakasarap tumulong, okay na sa akin na mabigyan ng oportunidad na iayos ang family ko at maging isang magandang huwaran.


“Mas gusto ko ang simpleng buhay. Ayoko nang i-complicate sa pagpasok sa politics,” sey ng Drama King ng ABS-CBN.


Ayaw banggitin sa amin ni Coco kung gano ang posisyon na nais patakbuhan sa kanya ng iba’t ibang partido na humihikayat sa kanya. Pero dagdag niya, may mga kilalang pulitiko pa rin na hindi sumusuko sa pangungumbinsi sa kanya.


“Ang sa akin lang naman, eh, ayoko rin namang magsalita nang tapos pero hindi rin naman magbabago ang isip ko na ayokong pasukin ang bagay na ‘yan. May mga taong nararapat para diyan at hindi ako,” pailing-iling na banggit sa amin ng premyadong aktor.


Mula sa pagiging indie actor ay nasa rurok na ng kanyang kasikatan si Coco Martin. Hindi lang ang lalo pang pagsikat ang napapansin ng lahat sa kanya kundi pati na rin ang lalong pang paghusay niya sa pag-arte.


Ang isa pa sa kahanga-hanga kay Coco Martin ay ang pagiging down-to-earth niya.


Sa kabila ng napakalayo nang nararating niya sa industriya ay nanatili pa rin ang pagiging humble niya, nakatuntong pa rin ang mga paa niya sa lupa. Kaya nga lahat ng crew and staff ng Juan de la Cruz at maging ng iba pang projects niya ay ganoon na lang ang pasasalamat na nabigyan sila ng pagkakataon na makatrabaho ang hinahangaang aktor. Bagay lang sa kanya ang taguring “idolo ng masang Pilipino” talaga.


“Masarap sa pakiramdaam na nagiging inspirasyon ako sa mga manonood. Malaki kasi ang obligasyon ko hindi lang bilang isang artista kungdi bilang tao na rin. Kaya nga super ingat tayo sa mga ginagawa ko at dapat lang na pagbutihin ang buhay ko at maging careful sa mga dapat kong gawin o iiendersong produkto,” sey ni Coco.


Loveless siya ngayon pero ang dami raw niyang pinaghuhugutan ang inspirasyon, kasama na ang mga hinahangaan niyang beteranong artista na nakakatrabaho niya.


“Sobrang dami ang mga natutunan ko sa kanila. Inspirasyon sila sa akin. Napakasarap isipin na sana umabot din ako sa mga edad nila at sana ‘yung mgagandang attitude nila bilang artista at bilang katrabaho, sana kahit papaano, eh, ma-adopt ko sa sarili ko,” sabi ni Coco na para bang nangangarap.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Coco, simpleng buhay ang gusto


No comments:

Post a Comment