Saturday, November 2, 2013

Illegal contributions ng kandidato, sisilipin

Ni Mary Ann Santiago


Maglalabas ang Commission on Elections (Comelec) ng listahan ng mga kandidato na tumanggap umano ng illegal contribution noong midterm elections, kabilang ang mga nakapuwesto nang senador.


Tumanggi naman si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na ibunyag ang pangalan ng mga kandidato dahil pinag-aaralan pa umano ng komisyon ang usapin. Gayunman, nagbiro siya na mawawalan ng mga opisyal ang gobyerno kung aalisin sa puwesto ang mga naturang kandidato, na mistulang pahiwatig na maraming nanalong kandidato ang kabilang sa listahan.



“We’re going to release a new list, those who received illegal contributions (and) those who contributed but are not allowed to,” sinabi ni Brillantes sa panayam sa radyo. “Hanggang senador po ito.”


“I won’t reveal the names for now. But we are studying the issue. We might lose the government if we remove them (from office),” dagdag pa ni Brillantes.


Nilinaw pa ni Brillantes na ang public utilities na may mga transaksiyon sa gobyerno ay hindi maaaring mag-contribute sa kampanya ng mga kandidato. Itinuturing din umanong prohibited donor ang mga mining company at government contractor.


Ayon naman kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, commissioner in charge sa campaign financing, pinagaaralan na ng ang posibilidad na sampahan ng election offense ang mga prohibited donor.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Illegal contributions ng kandidato, sisilipin


No comments:

Post a Comment