Sunday, November 17, 2013

Nabagong pananaw sa mga tomboy dahil sa ‘It’s Showtime’

KASALUKUYANG lumilikha ng malakas na ingay ang segment na “That’s My Tomboy” ng It’s Showtime sa Kapamilya Network. Most welcome ang segment dahil madalas na beki lamang ang pinagtutuuan ng pansin sa pelikula man o sa television.


Biglang nabago ang viewing habit namin at maging ang pananaw sa mga kabaro nina Charice Pempengco at Aiza Seguerra ay naging positibo.



Ang ikinaganda ng “That’s My Tomboy” ay tumututok ito hindi sa pagiging machong-macho ng marami sa kanila kundi sa angkin nilang mga talento at pagkakaroon ng oportunidad na sumikat at maging isang female Vice Ganda.


Young, cute at medyo pilyo ang mga sumasali sa tilt. May magaling sumayaw at kumanta. Pinahanga kami ng isang kalahok na nag-self duet. In other words, nagboses-babae at lalaki sa pag-awit.


Makilala, maunawaan at higit sa lahat ay umangat bilang propesyonal entertainer ang pangunahing layunin ng “That’s My Tomboy” ng Showtime. –Remy Umerez


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Nabagong pananaw sa mga tomboy dahil sa ‘It’s Showtime’


No comments:

Post a Comment