Saturday, November 9, 2013

PHILIPPINES, ASEAN’S FASTEST GROWING ECONOMY


Ang ekonomiya ng Pilipinas ang pinakamabilis lumago sa limang pinakamalaking ekonomiya sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang ASEAN 5 ang inaasahang tagapagpalikos hindi lamang Sa Southeast Asia kundi pati na rin sa Asia Pacific region.



Binanggit ang datos mula sa 2012 ASEAN Community Progress Monitoring System, iniulat ng National Statistical Coordination Board (NSCB) noong Oktubre 30, 2013, na ang average growth rates ng ekonomiya ng bansa noong nakaraang taon at sa unang bahagi ng 2013 ay mas mataas kaysa ASEAN 5. Isa ngayon ang Pilipinas sa pinakamatitibay na ekonomiya sa Southeast Asia, ayon pa sa NSCB, at inaasaang mapananatili ang tibay nito hanggang sa pagtatapos ng taon.


Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 7.6% sa unang bahagi ng 2013. Ang performance nito kung ihahambing sa mga estadong miyembro ng ASEAN ay nagpapakita na ang paglago sa 6.8% noong 2012 ay pangatlo sa pinakamahusay sa rehiyon.


Nakaambag ang services sector ng Pilipias ng 56.9% sa pambansang ekonomiya noong 2012 ahbang ang industry sector naman ay sumaklaw ng 31 hanggang 32 porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP). Hinimok ng NSCB ang gobyerno na magbigay ng mas maraming incentive sa private sector investments at paigtingin ang mga polisiya at programa upang matiyak na magpapatuloy ang paglago na pakikinabangan ng mga Pilipino. Ang partisipasyon ng pribadong sektor ay susi sa pamamahagi ng mga pakinabang sa paglago ng ekonomiya, ngunit kailangang tiyakin ng gobyerno na maging inclusive ito. Kailangang makabahagi ang maralita sa paglago ng mga industriya, ayon pa rito.


Ang Manila Bulletin, sa pangunguna ng Chairman of the Board of Directors na si Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, iba pang opisyal at kawani, ay bumabati sa Philippine Economic Team at sa National Statistical Coordination Board sa pangunguna ni Secretary General Dr. Jose Ramon G. Albert, sa kanilang pagsisikap na panatilihing tuluy-tuloy ang paglago at tiyakin na tatamasahin ng mas nakararaming Pilipino ang bunga ng kaunlaran ng Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PHILIPPINES, ASEAN’S FASTEST GROWING ECONOMY


No comments:

Post a Comment