Tuesday, November 19, 2013

MPM ikinagalak ang desisyon ng SC vs PDAF

MALAKING kagalakan para sa ilang organizer ng Million People March (MPM) ang pagdedeklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Priority Development Assistance Fund (PDAF).


Ayon kay Peachy Rallonza-Bretaña, MPM organizer, maituturing na malaking hakbang sa pagbabago ng ekonomiya ng Pilipinas ang naging desisyon ng Supreme Court (SC).


Sinabi ni Bretaña na ang desisyon ng SC ay nagpapatunay sa tatlong ipinaglalaban ng MPM na ito ay i-scrap o alisin na ang pork barrel at panagutin ang umaabuso sa PDAF.


Ang Million People March ay kabilang sa nagpetisyon kasama ang Change.org na nakapagtala ng 16,000 signatures online at 85,700 sign-up sheets laban sa pagbasura sa PDAF.


The post MPM ikinagalak ang desisyon ng SC vs PDAF appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MPM ikinagalak ang desisyon ng SC vs PDAF


No comments:

Post a Comment