Tuesday, November 19, 2013

Kalsada sa mga lugar na sinalanta ni ‘Yolanda’ maliwanag na

MULING nagliwanag ang ilang kalsada sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.


Ayon kay Energy Secretary Jericho Petilla, muli nang nagliwanag ang ilang kalsada sa lugar matapos nilang pailawan.


Partikular sa mga nalagyan ng ilaw ay ang plaza astrodome, terminal, kalsada sa labas ng isang mall at kalsada papunta sa munisipyo.


Samantala, ayon naman sa NDRRMC, muli nang nagbukas ang ilang pwesto sa palengke, mga tindahan at mga parlor.


Gayundin ang isang grocery store na nakapagsalba naman ng paninda noong kasagsagan ng bagyo.


Una nang binuksan ang sangay ng Landbank sa siyudad at mga automated teller machine nito.


The post Kalsada sa mga lugar na sinalanta ni ‘Yolanda’ maliwanag na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kalsada sa mga lugar na sinalanta ni ‘Yolanda’ maliwanag na


No comments:

Post a Comment