Tuesday, November 19, 2013

Tent city para sa ‘Yolanda’ victims, itinayo sa Pasay

Ni Bella Gamotea


Aabot sa 60 tent ang itinayo ng pamahalaang lokal ng Pasay City sa Villamor Airbase Elementary School bilang pansamantalang matutuluyan ng mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ na nagsiluwas sa Metro Manila mula sa Tacloban City, Leyte.



Ang bawat tent ay nilagyan ng mga folding bed na mahihigaan ng nagsilikas.


Bukod dito, may sariling lugar na nagsisilbing kusina at portalet na inilaan ang pamahalaang lungsod.


Sang-ayon naman ang pamunuan ng paaralan sa pagtatayo ng tent city sa kanilang compound, sinabing hindi ito makaaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante.


Nitong Linggo, umabot na sa 6,000 apektadong pamilya ang naihatid ng C-130 plane ng Philippine Air Force sa Manila mula sa Tacloban.


Karamihan sa inilikas ay naihatid na sa kani-kanilang kaanak habang ang ilan ay nakipagsapalaran sa Rosario, Cavite para sa bagong tirahan at hanapbuhay na alok ng pamahalaang lokal.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tent city para sa ‘Yolanda’ victims, itinayo sa Pasay


No comments:

Post a Comment