Saturday, November 2, 2013

BAGONG BARANGAY, BAGONG BUHAY

Kakatapos lamang ng barangay elections. Maraming mga paghamon ang kinaharap ng bansa bago ito matuloy, at dapat lang natin masuri ang mga leksyon na ating nakuha mula sa pinakahuli nating pagkilos bilang isang bayan.



Ang pinakamabigat sa leksyon ng nakaraang halalan ay ang bilang ng mga namatay dahil sa election-related violence. Kapanalig, para lamang maging barangay chairman at kagawad, 22 katao ang namatay ayon sa PNP bago pa dumating ang araw ng eleksyon. Marami ding lugar sa ating bayan ang tila hindi na rin nag-eleksyon dahil ang mga incumbent o di kaya isang partido ay tumakbo ng walang kakompetensya. Parang negotiated na ang laban, o di kaya, walang nagtangkang lumaban sa kasalukuyang may hawak ng kapangyarihan. Isang halimbawa dito ay ang eleksyon sa Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM, partikular na sa bayan ng Bumbaran sa Lanao del Sur kung saan may 17 na barangay. Lahat ng tumakbong mga kandidato dito ay walang kalaban sa balota. 290 naman na kandidato sa 410 na barangay sa Sulu ay wala ring oposisyon.


Sayang kapanalig, ang barangay elections pa naman ang halalan na dapat ay malapit sa ating mga puso. Halos mga kapitbahay natin ang ating binoboto. Ito sana ang sandalan at panangga ng ating komunidad kapag may problema, sakuna, gulo at disaster sa ating lugar. Sa barangay din nakasalalay ang safety at security ng ating tahanan, kasama ang mga miyembro nito. Tila nawaglit natin ang oportunidad na ipakita sa lahat na bago na ang ating ugali at perspektibo sa barangay elections. Ang maturity natin bilang demokrasya ay tila hilaw pa rin, kung base sa init ng laban, dami ng nasaktan at napaslang dahil lamang sa eleksyon.


Ang bawat eleksyon sana ay senyales ng bagong buhay ng lipunan. Ito sana ay nagpapakita ng pag-asa at enerhiya na bubuhay sa namamatay na espiritu ng bayanihan at kabayanihan sa ating mga pamayanan. Tila ang mga barangay posts ay naging posisyon na lamang ng pamumustura–walang substansya at tunay na pagkalinga.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



BAGONG BARANGAY, BAGONG BUHAY


No comments:

Post a Comment