Sunday, November 24, 2013

Monumento ni Bonifacio, ipa-feng shui muna

Naniniwala si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na dapat na ikonsulta mula sa isang feng shui expert ang bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Monumento Circle bago ito isailalim sa rehabilitasyon.


“Siguro po kaya hindi umuunlad ang Caloocan kasi hindi wasto ang paglalagay ng rebulto ni Andres Bonifacio,” sabi ni Malapitan. “Wala namang masama kung ipapa-feng shui natin kung saan ihaharap ang rebulto.”



Sa kasalukuyan, nakaharap ang rebulto ni Bonifacio sa Rizal Avenue, at ang suhestiyon ng alkalde ay iharap ang nasabing bantayog patungo sa Malabon o sa EDSA.


Magugunitang iminungkahi ni 2nd District Rep. Edgar Erice ang pagbabago sa rebulto ni Bonifacio, na planong pondohan ng P400 milyon, na magmumula sa national government.


Planong itaas ang bantayog ng hanggang 22 talampakan, at magbubukas ng air-conditioned underground para sa mga commercial establishment.


Gagayahin ang Global City sa Taguig, sisimulan sa Enero 2014 ang pagpaplano sa proyekto, na inaasahang matatapos bago mag- 2015. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Monumento ni Bonifacio, ipa-feng shui muna


No comments:

Post a Comment