Sunday, November 24, 2013

‘Spinnation’ ng TV5, big hit sa mga bagets

ni Reggee Bonoan


JASMINE Curtis-Smith MARAMING ginulat siJasmin Smith-Curtis na kinayang dalhin ang pilot episode ng Spinnation, ang unang social media music show sa Pilipinas na umere sa TV5 noong Sabado ng gabi. Take note, live ito.


Sabi ng mga nakapanood, tiyak na binigyan ang dalagita ng tips sa hosting ng Ate Anne Curtis niya.



At dahil interactive, nakakaaliw at magandang panoorin, nagtrending agad ito.


Napakaraming nag-tweet sa nasa bing programa na ipinapakita naman habang ongoing ang show. Guest ni Jasmin ng YouTube sensations na gayong hindi namin kilala ay sikat na sikat sa mga young audience na halatang nagsipagabang.


Maraming kuwento si Jasmin na sa totoo lang ay hindi kami makarelate, kasi nga pambagets at hindi Brandon at Manny (AFP) rin namin rna-gets kung bakit hindi tinatapos ang mga music video na ipinapakita.


Nang pumunta kami ng TV5 studio ay nakasalubong namin ang think-tank ng programa na si Perci Intalan na abot-tenga ang ngiti dahil marami ang bumabati sa kanya dahil nag-trending talaga ang Spinnation.


“Ang lakas ng loob namin, ‘no? Live kaagad sa pilot episode?” nakangiting bungad sa amin ni Perci. “Sobrang natakot kami kasi 9:00 PM na, hindi pa gawa ang set (studio ng Spinnation), hindi namin alam kung saan ang puwesto ni Jasmin, kaya ngarag talaga kami kanina,” kuwento ng TV executive.


May remote telecast ang Spinnation, interview naman ng co-host ni Jasmin na si Gee Canlas sa mga tao sa magagandang gimikan 0 coolest hangouts ngayon ng mga bagets.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Spinnation’ ng TV5, big hit sa mga bagets


No comments:

Post a Comment