Saturday, November 16, 2013

Akusado sa murder, tumalon sa justice hall building; patay

Ni Mitch Arceo


Tinapos ng isang 44-anyos na lalaki ang sariling buhay sa pagtalon mula sa gusali ng Las Piñas City Justice Hall noong Biyernes ilang minuto bago niyang harapin ang kasong murder na may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang asawa.


Kinilala ni Las Piñas City Police chief Senior Supt. Adolfo Samala Jr. ang biktimang si Siegfred Cabunoc, ng Blk. 11A Lot 7 Onyx Street, Pilar Village. Agad siyang namatay dahil sa matinding pinsala sa ulo.



Ayon sa report ni Chief Insp. Joel Gomez, ineeskortan ni PO2 Al Sharrif Uy si Cabunoc patungo sa justice hall para sa inquest proceedings nang biglang nagtatakbo ang biktima at tumalon nang makarating sa ikatlong palapag ng gusali.


Sinabi ni Gomez na Nobyembre 13 nang dinakip si Cabunoc makaraang igiit ng isang testigo na ang biktima ang nasa likod ng pagkamatay ng misis nito, ang 54-anyos na si Daisy Cabunoc, noong nakaraang linggo.


Ayon kay Gomez, natagpuan ang bangkay ni Daisy sa isang bakanteng lote sa Manuyo I noong Nobyembre 11. Nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Daisy, at noong Miyerkules lang kinilala ng kapatid.


Apat pang testigo ang sumuporta sa salaysay ng unang testigong nagturo kay Cabunoc bilang suspek sa pagkamatay ni Daisy, iginiit na huling nakitang buhay ang huli ilang sandali bago narinig ang umano’y pagtatalo ng mag-asawa


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Akusado sa murder, tumalon sa justice hall building; patay


No comments:

Post a Comment