Wednesday, November 20, 2013

Mga batang atleta mula Tacloban, kanlong ng PSC

Mapayapang dumating sa Philippine Sports Commission noong Martes ng gabi ang kabuuang 35 kataong atleta at coaches mula sa Tacloban, Leyte na sinundo mismo ng ahensiya matapos na maapektuhan at makabilang sa mga nasalanta ng dumaan sa bansa na Super Typhoon na si Yolanda.



Pansamantalang kinakalinga ngayon ng PSC sa utos ni Chairman Ricardo Garcia ang kabuuang 30 batang atleta at limang coaches na sinunda mismo nagibang Leyte Sports Academy sa national athletes quarter sa Rizal Memorial Baseball field.


“Nakakaawa ang mga bata,’ sabi ni Garcia. “Some of them ay bigla na lang natutulala habang iyong iba naman ay nakakausap naman pero makikita mo pa rin ang pagkatakot,” sabi pa ni Garcia.


Matatandaang ipinakuha ng PSC ang unang nabalita na 22 batang atleta sa pamamagitan ng pagpapadala nito sa lima kataong grupo na binubuo nina Charlie Esquivel, Elmer Arrela, Ramil Concepcion, Roy Cortel at Dante Villarba sa pagbiyahe by land noong Sabado.


Ito ay matapos naman lubhang maapektuhan ang unang itinayong eskuwelahan para sa sports na Leyte Sports Academy (LSA) dala ng matinding hagupit ng bagyong Yolanda na nagtulak din sa mga bata at coaches upang maipit sa magulong situwasyn at mahirap na kalagayan sa Leyte,


Napag-alaman naman na ang ilan sa mga batang atleta ay ulilang inampon ng LSA kasama ang iba pa na kapwa naging mga gold medallist sa nakalipas na pagsasagawa ng mga torneo tulad sa Batang Pinoy, Philippine National Games at Palarong Pambansa.


Siniguro naman ni Garcia na mapangangalagaan ang mga bata atleta habang ipinagpapatuloy nito ang pag-aaral at pagsasanay sa kani-kanilang mga nasimulang napiling sport.


“We will look after them until ma-absorb na sila ng mga NSAs ng kanilang napiling sport. Titingnan natin kung talaga na kaya na nilang makasama sa national pool ay why not included in the list and then possibly bigyan natin ng monthly allowance na P6,000 para sa kanilang pag-aaral habang nasa training,” sabi pa ni Garcia. (Angie Oredo)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mga batang atleta mula Tacloban, kanlong ng PSC


No comments:

Post a Comment