Saturday, November 23, 2013

Matagumpay na benefit concert nina Heber Bartolome, Tyrone Oneza at Rowena Tecson

MARAMING salamat po sa lahat ng dumalo sa matagumpay na pa-benefit show ko sa Ka Freddie’s Music Bar and Restaurant last Nov. 17,2013 kung saan isang matagumpay na gabi na agaran ding naipagkaloob ko ang kabuuan ng kinita ng ticket kay Heber Bartolome.


Bagama’t alam kong maliit at ‘di sapat para sa suportang gamutan sa member ng Banyuhay ni Heber na si Kuya Levi Bartolome, nakita at naramdaman ko ang kasiyahan sa mukha ng The Living Legend, Heber Bartolome at mismong si Levi Bartolome, na tumugtog na rin bilang Banyuhay ni Heber.


Sa isang sulok ng entablado, nakatago ako bilang punong abala nu’ng gabing ‘yun bilang writer/director ng konsiyerto. Nasa speech ng bawat mga mang-aawit na nagtanghal like Martina Ona, Dominic G., Roweno Tecson ay halos iisa ang mga sinabi onstage…may mga paulit-ulit na pagkakataong ako’y pinaaakyat sa entablado subalit nanatiling nakatago ako at ‘di lumalabas sa lungga ko.

Ang totoo, hindi ko alam na lumuha na pala ako at nalaman ko na lamang ‘yun nang may pumatak na luha sa aking mga mata. HINDI KO AKALAIN na ang gabi ng koNsiyerto na aking ginawa ay ISA PALANG GABI NA PUNOM-PUNO NG KALIGAYAHAN at GABI NG MGA KATUPARAN NG MGA PANGARAP ng mga nagsiawit na mga mang-aawit Like DOMINIC GUMAMELA o DOMINIC G. na mula Bicol ay sinadyang dito sa Manila manirahan since 2005 pa para tuparin ang pangarap na maging mang-aawit na gumawa pa siya mismo ng kanyang album. Subalit sa kahirapan, naging mailap ang mga taong makatutulong sa kanya hanggang naging organista siya ng simbahan at pinag-aral ng isang pari hanggang makatapos ng kolehiyo.


On Facebook ko lang nakauusap si Dominic at sa gabi ng benefit show ko lang siya na-meet na for the first time ay nakatuntong siya ng stage at mga MUSIC ICON pa ang kanyang nakaharap.


MAY BATAS para sa mga music icon gaya ni Heber Bartolome. Hindi mo siya pwedeng diktahan sa oras ng pagtatanghal pero 3 minutes before na si Ka Heber at Banyuhay na ang tutugtog…bigla kong sinabihan si Heber Bartolome na baka pwedeng sa last song niya ay makasama niya on stage si Roweno Tecson at Tyrone Oneza at sabay-sabay silang kumanta.

NAGULAT AKO…..nangyari ang sinabi ko…na hindi ko akalaing…sasabihin nina Tyrone Oneza at Rowenoa Tecson na DREAM COME TRUE…..na mga bata pa sila, paborito na nila si Heber Bartolome at ang awiting NENA at TAYO’Y MGA PINOY ang favorite songs nila noon na ngayon, heto sila……KUMAKANTA SILA ON STAGE NG NENA AT TAYO’Y MGA PINOY!


2:00AM natapos ang concert. Bagama’t umuwi akong ang laman ng bulsa ko ay P20.00 as in bente pesos, wala akong naramdamang pag-aalala kung saan na naman ako kukuha ng pambili ng pagkain namin kinabukasan. Naniniwala ako…si Lord ang bahala.


Salamat sa mga sopresang bisita…..mga big boss, manager ng Island Gas Corporatio at ang pinagkakatiwalaang engineer ni Manny Pangilinan na kilalang never na makikita saanmang okasyon pero nu’ng gabing ‘yun, kasama pa niya ang kanyang asawa.


The post Matagumpay na benefit concert nina Heber Bartolome, Tyrone Oneza at Rowena Tecson appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Matagumpay na benefit concert nina Heber Bartolome, Tyrone Oneza at Rowena Tecson


No comments:

Post a Comment