Saturday, November 23, 2013

Korina Sanchez lalayasan na ang ABS-CBN? (Ows?)

EARLY 2014 pala ay lalayasan na ni Korina Sanchez ang ABS-CBN. Ito ang pahayag sa amin ng aming mapagkakatiwalaang source na isa ring executive ng kapamilya network.


Actually, ang pag-aalsa balutan na ito ni Korina Sanchez sa Dos ay wala namang kaugnayan ‘yung sinasabing isyu kaugnay sa pagtatalak sa isang CNN reporter na si Anderson Cooper. Talaga na raw matagal nang plinano ni Korina na iwanan na ang TV Patrol, Rated K, at radio program sa DZMM. Ang sinasabing dahilan ay mag-aaral na lamang daw itong si Korina sa kanyang kursong doctorate.


Say naman ng mga okrayista, bakit pa raw sa susunod na taon pa lalayasan ni Koring ang ABS-CBN at hindi pa ngayon?


May mga ilang segment pa raw kasi na dapat tapusin itong si Korina sa kanyang show na Rated K. Napapansin n’yo ba na hindi na rin nagre-report si Korina sa kanyang programa sa DZMM? Kasi nga gusto na ring iwan talaga nito ang broadcasting. May balita pa na nakarating sa amin na napag-usapan na pala ni Korina at Mar Roxas ang tungkol sa pagtakbo ng DILG secretary sa presedential elections sa 2016.


sa totoo lang, parang wala na raw sa plano ng kababayan naming si Mar Roxas na tumakbo pa sa 2016. Siguro nga sobrang hirap na ang kanyang dinanas sa mga nangyaring kaguluhan sa Mindanao, Bohol at cebu, lalo na nang dumaluyong ang bagyong si Yolanda.

Siyempre bilang DILG secretary ang laki ng responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat, what more kung naging presidente pa siya ng Pilipinas? Siguradong mas marami ang kanyang mae-encounter na problema ng ating bansa. Kaya kung iiwan ni Korina ang ABS-CBN baka iwan na rin ni Mar Roxas ang politics.

Kunsabagay, ito rin ang tama para makabuo na ng supling si Korina. Teka lang, mabubuntis pa ba si Korina?

‘Yun na!

TALAGANG dusa sa amin ang araw ng Huwebes, Nov. 21, dahil bukod sa wallet, natangay rin ng mandurukot ang pinakamahalagang gamit naming cellphone. Mga 4pm ito nangyari nang papunta sa isang branch ng Cebuana Lhuilier para kunin ang perang ipinadala sa amin kaya lang nu’ng dukutin namin ang cellphone sa aming bag ay wala na ito at napurnada na ang pagkuha namin ng pera.


Sus, ginoo! ang tagal-tagal na naming halos paroon at parito sa Isetann Recto to Quiapo church pero ngayon lang nagyari sa amin na madukutan ng wallet at cellphone.


Ano ba to? Pinakawalan ba ang mga hinayupak na mandurukot sa Recto? Sa totoo lang, nu’ng si Mayor Lim pa ang mayor diyan, halos wala kaming nae-encounter na mandurukot o holdaper. Sobrang maluwag ba si Mayor Erap at ang mga pulis Maynila sa mga mandurukot kaya hindi ito nahuhuli? Kasi nu’ng araw na ‘yOn, Nov. 21, marami namang naglipana at nakapaligid sa Quiapo at Recto na well uniformed pulis. Sino ba ang binabantayan ng mga hinayupak na pulis na ito at nalulusutan sila ng mga mandurukot at hold uppers? Dapat siguro bigyang-pansin ni Mayor Erap ito para na rin sa kapakanan ng mga Manileñong tulad ko at ang mga vendor na ‘yan sa kahabaan ng Quezon Boulevard sa mismong tapat ng crown building nagkalat itong mga vendor na sa pakiwari namin ay kasabwat din ng mga mandarambong at mandurukot.


Sana mabigyang pansin ni Mayor Erap at ang kaibigan naming si Mayor Isko ang laganap na pandurukot sa Maynila. Sagabal sa trapiko ang mga vendor na ito na kasabwat ng mga mandurukot, bakit hindi ito walisin ni Mayor Erap at ng barangay chairman na halos kadikit lang ng barangay outpost kung saan nangyari ang pandurukot. Para naman sa mga pulis, kumilos naman sana kayo bago namin kayo pagbintangan na kasabwat din nila. ‘Yun lang!!!


The post Korina Sanchez lalayasan na ang ABS-CBN? (Ows?) appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Korina Sanchez lalayasan na ang ABS-CBN? (Ows?)


No comments:

Post a Comment