Saturday, November 23, 2013

‘Espiritista’ kinasuhan ng rape ng mentally retarded

NASUGBU, Batangas – Nagsampa sa pulisya ng reklamong panggagahasa ang isang ama laban sa isang nagpakilalang “albularyo” matapos halayin ang kanyang 17-anyos na anak na babae na pinaghihinalaang nasapian ng masamang espiritu.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rommel Cayao, ng Barangay Aga, Nasugbu, matapos magsumbong ang biktima na si “Maria” (hindi tunay na pangalan), na umano’y may diperensiya sa pag-iisip.



Sinamahan si Maria ng kanyang ama na si Florencio Robles nang ito ay maghain ng reklamo sa Nasugbu Municipal Police Station.


Ayon sa ama ng biktima, nakumbinsi umano ni Cayao ang kanyang dalagita na magtungo sa kanyang bahay upang sumailalim sa isang rituwal dahil nasapian ito ng masamang espiritu noong Agosto 26.


Subalit nang isama ni Cayao si Maria sa isang silid, doon na ginahasa ng suspek ang biktima.


Sinabi pa ni Robles na naulit ang panggagahasa sa kanyang dalagita nang pabalikin ito ni Cayao sa tahanan nito noong Agosto 27 hanggang 31.


Tinangkang arestuhin ng grupo ni SPO1 Geraldine Gantong Oriondo, PO2 Fides Silang Aran, at PO2 Redeng Garcia subalit hindi na ito natagpuan sa kanyang tahanan. – Vicky Aclan Florendo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Espiritista’ kinasuhan ng rape ng mentally retarded


No comments:

Post a Comment