Sunday, November 17, 2013

Mass graves para sa Yolanda victims nauubusan na ng espasyo

HABANG sumisirit ang bilang na nakukuha pang bangkay sa Tacloban City, kinakapos naman sa espasyo ang paglilibingan para sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda.


Sa pinakahuling ulat, may 200 pang bangkay ang narekober ng retrieval team sa lungsod, kaya umakyat na sa 800 ang kumpirmadong namatay habang 300 iba pa ang patuloy na pinaghahanap at pinaniniwalaang patay na rin.


Sinabi ni City Vice Mayor Jerry Yaokasin, sa nasabing bilang ay kalahati pa lamang ang kanilang naiilibing dahil kinukulang na sila ng lugar na maaaring paghukayan para maihatid sa huling hantungan ang mga biktima.


“Sa ngayon ay wala pang nakikitang lugar na maaaring gawing mass graves sa lungsod,” ayon sa ulat ni Manog.


Pansamantala aniyang nakalagak sa mga lugar na narekober ang mga bangkay.


Nakatakda naman magpulong ang city government para pag-usapan ang susunod na hakbang para matugunan ang problema.


Samantala, sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 3,681 ang opisyal na bilang ng fatalities habang nasa 1,186 katao pa ang pinaghahanap.


Binanggit din ni NDRRMC spokesperson Major Reynaldo Balido na karamihan sa mga narekober na bangkay ay hindi pa nakikilala.


Sinabi rin ng opisyal na karamihan sa mga narekober na bangkay ay mula sa Samar at Leyte na ilan sa lalawigang labis na sinalanta ng bagyo.


The post Mass graves para sa Yolanda victims nauubusan na ng espasyo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mass graves para sa Yolanda victims nauubusan na ng espasyo


No comments:

Post a Comment