Sunday, November 17, 2013

Benjamin Alves, gustong-gusto si Kylie Padilla!

MULING makakasama ni Benjamin Alves si Kylie Padilla sa Adarna, bagong telefantasya ng GMA 7 na magsisimula sa Monday, Nov. 18. Una silang nagkasama sa Unforgettable na naging maganda ang experience niya sa dalaga ni Robin Padilla.


“I love working with Kylie. We have this rapport when we do our scenes together. Madali siyang katrabaho kasi pareho kaming makulit. Kaya we get along very well.


“Kaya nang sinabi nila na isa ako sa tatlong magiging leading men ni Kylie sa Adarna, I got excited kasi masarap siya kasama sa work.

“There`s no boring moment with her. Titingnan ninyo siya na tahimik but Kylie is a very funny girl,” say pa ni Benjamin.


For the first time ay gaganap siyang bad boy na malayo sa mga ginampanan niyang role na sosyal at may breeding.

“Kanto boy ako rito sa Adarna named Bok. Natuwa ako kasi it`s very malayo sa role ko sa Cof fee Prince and Unforgettable.

“It`s really a character role and I had to observe other people just to get that right movement at sa pagsasalita. It`s really liberating and I get to play around with my role,” say ni Benjamin.


Ikinatuwa rin ni Benjamin na nakasama sina Geoff Eigenmann at Mikael Daez na mga leading man din ni Kylie sa Adarna.


***

MULING nasilayan kahit sandali ng kasiyahan ang mukha ni Cristina Gonzales matapos danasin ang delubyong dinanas sa kanilang lalawigan sa Tacloban na halos ikamatay na rin niya at mga anak nang malaman ang ginawang pagtulong ng kapwa artista upang makalikom ng pera para makatulong sa mga kababayan niya sa Tacloban.


Hindi makapaniwala si Kring-Kring (palayaw ni Cristina Gonzales) na nagawang ibenta ni Angel Locsin ang kotse na in-import pa sa Amerika, two years ago.


Natuwa rin siya sa P10 M na donation ni Sharon Cuneta, ang pagbebenta ng mga mamamahaling bag ni Regine Velasquez at garage sale ng magkapatid na Anne at Jasmine Curtis-Smith.


Nagharap at nagkita sina Kring-Kring at Regine Velasquez sa taping ng huli sa GMA 7 at sigurado kaming pinasalamatan niya ang singer/actress. Gusto kasi ni Kring na personal niyang mapasalamatan ang mga kapwa artista na tumulong sa mga kababayan niyang nasalanta ng bagyo sa Tacloban na sina Angel, Sharon, Anne at Jasmine atbp.


Samantala, ilan din sa mga kaibigang celebrities ni Kring-Kring ang personal na inalam ang tunay niyang kalagayan at pamilya. Tulad nina Giselle Sanchez at Zsa Zsa Padilla na tinawagan siya sa phone. Nabalitaan kasi ni Zsa Zsa na namatay ang anak nito sa bagyo.


Tumawag din si Pops Fernandez na nag-alala sa kanyang kalagayan at sa mga anak niya. Sa ngayon ay nakabalik na siguro si Kring-Kring sa Tacloban para tumulong din sa pagbibigay relief sa mga kababayan.


Sa nangyari at naranasan ni Kring-Kring, nabatid niya na lahat ay panta-pantay at walang mayaman at mahirap pagdating sa kagipitan.


The post Benjamin Alves, gustong-gusto si Kylie Padilla! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Benjamin Alves, gustong-gusto si Kylie Padilla!


No comments:

Post a Comment